Hello again, mga pamangkin! 😎
Sinimulan kong panoorin ang “Trese” na nasa Netflix ngayon.
Sobrang proud ako dahil ang setting ng kwento ay sa Manila, Philippines.
Hindi lang ako mapakali sa opening theme dahil naiimagine ko yung kantang “Yugto” ni Rico Blanco.
Sinubukan kong i-edit. Mangiyak-ngiyak ako nung nung una kong mapanood ang resulta.
Sana magustohan ninyo. 😎
Yun lang. Labyuu. ❤️
—
This video was made to demonstrate an idea of using a Filipino song as the opening theme for “Trese”.
No copyright infringement intended. All materials belong to their respective owners.
23 Comments
Ikaw lang nakaisip nito. Husay ng utak mo! Kinilabutan ako dito.
Ito talaga dapat ang ginawang opening theme! Tapos Glaiza de Castro will be Trese's voice over
┌(・。・)┘♪
angas!!! da chills
Same vibe with the opening from “ Deadman Wonderland “
Makapanindig balahibo.
GAGU ANG GANDA. kung ito naging op ng trese hindi ko talaga iskip
PANG INTERNASYONAL NA 'TO
Ang galing fit din siya same as SB19's MANA, pwedeng pwede na opening for season 2!
Tumaas balahibo ko galing sana ito talaga gamitin sa Season 2 ng Trese I can't wait kung magkaganun
Pormaaaa🔥🔥🔥🔥🔥
angaaaaaaaaaaas ang sakto ng opening sa kanta
Natawa ako dun sa mrt naisa anime pa yung laging nasisira 😅
AAAAAA grabe yung goosebumps ko. Yugto perfectly fits Trese talaga 🥺🖤🖤🖤 thank you for making this!
Ayos din kung ito yung ginamit nila para sa opening.
Bagay na bagay to haha nakita ko sa comment na magandang opening sa trees pero Ayan magawa na Ang galing
Umiyak ako eh. Oo na, ako na malambot pero tangina magkakamatayan na pag di nila gamitin to sa ikalawang yugto.
I hope they use this if ever magkakaroon man ng second season
Bagay ang yugto sa AOT, yung nag-usap si Eren at Reiner sa basement at yung nag transform si Eren ng Foundiy Titan at sinimulan nya ang Rumbling.
Try nyo nga po yung Halik ni Hudas By Wolfgang ❤️🤧
salamat sa gumawa nito. ang astig 🙏👏👏
di perfect ang trese pero unique. magaganda din mga action scenes at mga characters. medyo monotone (sobrang seryoso dahil sa bigat ng tungkolin niya) lng si trese pero baka meron pa siyang side niya na pwede pa ipakita sa mga susunod na kabanata. medyo bitin lng ng onti kasi 6 episodes lng. maganda yung flashbacks na mag coconnect sa finale. ang angas ng final boss tho parang mas bagay siya bilang main villain sa sunod na kabanata. para kasing napaka power house niya kung inilantad agad siya sa una and natalo agad pero baka yun tlga yung naka sulat sa comiks and baka bumalik din. ang angas ng kambal pati yung mga sigbin tho pinatay lng sila ng kambal, pinapakita kung ganu kalaki ang agwat ng lakas nila kahit mga bata lng sila noon. anyways. 2 yrs na, dalawang beses ko na inulit panuurin. sana mag ka roon na ng sunod. at sa huli pala, tagal ko na iniimagine na mga ganitong pinoy 2d animation na mag karoon ng opening/ending theme song katulda ng japanese anime. daming pweding gamiting mga opm songs sa mga susunod na trese at kung anu pang ibang palabas na pinoy ang lumabas. imaginine mo kanta ng kamikazee na unang tikim gagamitin as opening sa pinoy animation. angas nun. anyways solid na solid tung yugto, angas sana kung may naka isip agad nun at na suggest before na tapos yung porduction at naging official siyang ending song.
Ito rin naisip ko nung nakinig uli ako ngayon ng Yugyo. Sana ito sa season 2. Bangis!